Ginagawa umanong komplikado ng China ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS) sa mga hakbang nito.

Ito ang sinabi ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez bilang tugon sa pahayag ng China na dapat itigil ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga ginagawa nito sa WPS.

Ayon kay Rodriguez malinaw na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa ang teritoryo na kinukuha ng China.

“That statement is ridiculous. That area is part of our 200-mile EEZ under the United Nations Law of the Sea and the ruling of the UN arbitral court. We have every right to patrol it, conduct drills there and explore it for its fishery and other natural resources. But they are the ones taking tons and tons of fishes and destroying the environment there,” sabi ni Rodriguez.

Kung mayroon umanong dapat na umalis sa EEZ ay ang mga Chinese at hindi ang mga Pilipino.

Paliwanag ng solon ang WPS ay may layong 600 milya sa China.

Ang inaangking umano nitong Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc ay 120 milya lamang ang layo sa Zambales at Pangasinan samantalang ang Julian Felipe Reef ay 175 milya lamang ang layo sa Bataraza, Palawan.

“They should leave the WPS. They are the interloper,” dagdag pa ng solon.

The post Sitwasyon sa WPS ginugulo ng China first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sitwasyon-sa-wps-ginugulo-ng-china/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sitwasyon-sa-wps-ginugulo-ng-china)