Sa palagay ni Senador Panfilo Lacson, parang walang namumuno sa COVID-19 response ng Pilipinas.

Sinabi ng senador sa Twitter kaninang umaga na ang coronavirus ay “nagngangalit” na at tila naka-autopilot ang pagtugon natin dito.

“The coronavirus has gone berserk. While it is on ‘at-will’ mode, we are like on autopilot. We can’t feel someone is in charge. Sobrang malas!” aniya pa.

Kahapon, iniulat ng Department of Health ang 11,028 dagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kaya pumalo na sa 135,526 ang mga aktibong kaso at sa 795,051 ang kabuuang dami ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus sa ‘Pinas.

The post Sobrang malas! Para tayong naka-autopilot sa COVID response – Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sobrang-malas-para-tayong-naka-autopilot-sa-covid-response-lacson/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sobrang-malas-para-tayong-naka-autopilot-sa-covid-response-lacson)