Hinimok ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang Estados Unidos na itodo na ang ‘pagtulong’ nito sa Pilipinas, partikular sa usapin ng West Philippine Sea (WPS) sa pamamagitan ng pagsasagawa nito ng madalas na freedom of navigation (FON) operation o pagpapatrolya sa South China Sea, maging sa WPS.

Ginawa ito ni Rodriquez kasunod na rin sa report na US Navy na isa sa kanilang carrier strike groups ay pumasok sa South China Sea noong Abril 4 kasunod ng mahigpit na protesta ng Pilipinas sa naging presensiya ng daan-daang Chinese vessels sa Juan Felipe Reef, na nasa ilalim ng Philippine 200-mile exclusive economic zone (EEZ).

Ito na umano ang pangalawang beses na ginawa ng US Navy ngayong taon na ayon kay Rodriquez ay dapat umano gawin ito nang madalas upang ipakita sa China na hindi ito sa kanila.

“Two FON patrols in more than three months. They should criss-cross that area more often to challenge China’s claim over most of the South China Sea, including international waters and a large part of the Philippine EEZ,” ayon kay Rodriguez kasabay ng pagsasabing, “conducting more FON operations is walking the talk on the part of our defense treaty ally, the US.”

Kapag madalas umano ang gagawing pagtatawid o pagpapatrulya sa South Chin Sea ,Makaktulong umano ito upang tigilan na ng China ang pananakop nito sa Philippine EEZ.

Naniniwala si Rodriquez na dapat lang suportahan ng US ang kanilang ipinahayag na pagsuporta para sa Pilipinas sa usaping ng WPS gayundin ang pagpapakita ng kanilang kahandaang tumulong sa panahong mayroong hidwaan batay sa isinasaad ng 1951 Mutual Defense Treaty sa pagitan ng dalawang bansa.

Nais din ni Rodriguez na maglabas ang US ng isang malakas at mabigat na pahayag sa isyu ng WPS.

The post Solon sa US: ‘Saklolo’ sa WPS itodo na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/solon-sa-us-saklolo-sa-wps-itodo-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=solon-sa-us-saklolo-sa-wps-itodo-na)