Nagpositibo sa COVID-19 si Sta. Maria, Bulacan Mayor Russel Pleyto.

“Malungkot ko pong ibinabalita na ang inyong abang lingkod ay nagpositibo sa COVID 19. Sa mahigit isang taon nating pagharap sa mga hamon ng pandemya, ang inyong lingkod ay hindi nakaiwas sa kabila ng ating matinding pag-iingat,” ayon sa Facebook post ng alkalde.

Kwento ni Plyeto, noong Lunes ay nagkaroon siya ng lagnat at doon napagdesisyunan na sumalang sa RT-PCR testing.

Pinaalalahan nito ang mga nakasalamuha niya na obersahan ang kanilang sarili at mag-isolate.

Wala naman aniya siyang nararamdaman at sasailalim sa 14-day mandatory quarantine.

The post Sta. Maria, Bulacan mayor tinamaan ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sta-maria-bulacan-mayor-tinamaan-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sta-maria-bulacan-mayor-tinamaan-ng-covid)