Tinatayang 15 kabahayan sa 2nd at 3rd Avenue sa Caloocan City ang naabo dahil sa sunog nitong Biyernes ng gabi.

Umabot ng ikalawang alarma ang sunog na naapula bandang alas-9:52 ng gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Dalawang residente ang nasawi, isa dito si Ronard Camacho, 44 matapos na hindi makalabas sa kanilang tahanan.

Namatay din si Adonis Ventorozo, na idineklarang dead-on-arrival sa ospital.

Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.

The post Sunog sumiklab sa Caloocan, 2 dedo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sunog-sumiklab-sa-caloocan-2-dedo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sunog-sumiklab-sa-caloocan-2-dedo)