Isang sunog ang sumiklab sa isang warehouse sa Caloocan City nitong Lunes ng umaga.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nasunog ang Ipolymer Solution, Inc. warehouse na matatagpuan sa No. 346 Gen. Luis St., Bagbaguin, sa Caloocan City.

Umakyat ito sa unang alarma dakong alas-2:18 ng madaling-araw at umakyat sa ikatlong alarma alas-2:45 ng madaling-araw.

Idineklarang naapula ang apoy ng alas-10:32 na ng umaga.

Tinatayang nasa P3,240,000 ang halaga ng ari-ariang natupok habang walang naitalang casualties.

Iniimbestigahan pa kung ano ang sanhi ng sunog.

The post Sunog sumiklab sa Caloocan warehouse first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sunog-sumiklab-sa-caloocan-warehouse/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sunog-sumiklab-sa-caloocan-warehouse)