Isang magnitude 4.7 na lindol ang tumama sa Surigao del Norte ngayong Huwebes.

Sabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol sa 51 kilometro northeast ng bayan ng Burgos bandang 12:39 ng umaga, Abril 15.

Ang tectonic quake na ito ay may lalim na anim na kilometro.

Ayon pa sa Phivolcs, hindi inaasahan ang mga aftershock at pinsala mula sa naturang pagyanig.

The post Surigao Norte niyanig ng lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/surigao-norte-niyanig-ng-lindol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=surigao-norte-niyanig-ng-lindol)