13 indibidwal ang pumanaw kagabi, kabilang ang tatlong bata, matapos bumagsak ang sinasakyan nilang SUV sa isang irrigation canal sa Tabuk City, Kalinga.

Batay sa Kalinga Province public information office, alas-6:15 ng gabi nang aksidenteng dumiretso at lumubog ang isang itim na Ford Everest SUV sa kanal sa Barangay Bulo, Tabuk City.

Sa 15 pasahero ng nasabing kotse, 13 ang nasawi sa pagkalunod kahit pa nagtulungan na ang mga residente na sagipin ang mga biktima.

12 ang dead on arrival sa Mija Kim Medical Center sa Agbannawag, at isa ang sa Kalinga Provincial Hospital.

Sa mga pumanaw, apat ang residente ng Tadian, Mountain Province, kabilang ang driver ng SUV na si Soy Lope Agtulao.

Siyam naman ang mula sa Purok 1, Bulanao, Tabuk City, kabilang ang mga bata na may edad 3, 4, at 5.

Ayon sa pulisya, papunta ang sasakyan sa Bulo Lake na isang kilalang tourist spot sa lugar.

The post SUV laglag sa kanal; 13 dedo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/suv-laglag-sa-kanal-13-dedo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=suv-laglag-sa-kanal-13-dedo)