Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, simula Linggo ng umaga ay naitala ang 56 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal.

Kabilang anila rito ang 35 volcanic tremors na tumagal nang mula isa hanggang 18 minuto, 21 low frequency na lindol, at low-level background tremor mula Abril 8 ng umaga.

May naganap ding mahinang pagsingaw, pagbuga ng sulfur dioxide, at marahan na pamamaga ng Taal, sabi pa ng Phivolcs sa Abril 26 bulletin nito.

Ang Alert Level 2 ay kasalukuyan pa ring nakataas sa Taal Volcano.

Sa nasabing alert status, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island.

The post Taal Volcano 56 beses nag-alburoto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/taal-volcano-56-beses-nag-alburoto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=taal-volcano-56-beses-nag-alburoto)