Patay ang hindi bababa sa 50 katao matapos madiskaril sa riles ang isang tren sa Taiwan na may sakay na higit 490 pasahero nitong Biyernes ng umaga.

Sa report ng Central News Agency, papunta ang tren sa Taitung nang mahiwalay ito sa riles sa loob ng isang tunnel sa Hualien.

Nagtungo na ang mga rescue team sa pinangyarihan ng aksidente, kung saan 69 na nakaligtas sa naturang train crash ang dinala na sa iba’t ibang ospital.

Kasama naman sa nasawi ang driver ng tren, at isang residente mula France.

Tinitingnan ang isang truck sa posibleng naging dahilan ng aksidente, kung saan posible umanong nabangga ng truck ang tren.

Aabot naman sa 156 katao ang nasaktan sa naturang train crash.

“We will continue to do everything we can to ensure their safety in the wake of this heartbreaking incident,” ayon kay Taiwan President Tsai Ing-wen.

The post Taiwan train nadiskaril, abot 50 katao todas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/taiwan-train-nadiskaril-abot-50-katao-todas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=taiwan-train-nadiskaril-abot-50-katao-todas)