Binebenta ng isang babae sa TikTok ang hinanda niyang kasal sa New York sa Amerika pero ayaw na niyang daluhan.

Umabot na sa 111.7K views ang video ni Mackenzie Newcomb tungkol sa binebenta niyang kasal na magaganap sa Greenpoint, Brooklyn sa Setyembre 18.

Sa halagang $15,000 (higit P722,000), may isang couple na magkakaroon ng nakaplano nang garden wedding. Kasama na rito ang pagkain para sa 80 bisita, floral arrangements, ‘LGBTQ-friendly’ na photographer, at babaeng DJ.

Bakit niya binebenta? Umalis na kasi sila sa New York at pinili nila ng partner niyang si Ben na ikasal na lang sa Massachusetts, malapit sa kung saan lumaki si Newcomb.

Banggit ni Mackenzie, mas gugustuhin niya na lang na mag-honeymoon o bumiyahe sa Pilipinas kaysa magkaroon ng pangalawang kasal.

“Because I had this luxurious, personal, incredible, aesthetically-pleasing wedding already, I don’t need to do it again. It’s been a year of extreme ups and downs in our lives. And this second wedding doesn’t feel like mine anymore. It feels like someone else’s, from a different time. It would be better off going to someone else,” sey ni Newcomb sa The Daily Beast.

“It brings me dread to think about it, because I’m already married. I’d rather go on a honeymoon or plan a trip to the Philippines,” lahad niya pa.

Sa ngayon, update ng 28-anyos na babae sa TikTok kahapon, inaalam niya na kung sino sa mga interesadong couple ang pagbebentahan niya ng kasal.

The post TikToker mas gusto bumisita sa ‘Pinas kesa ikasal sa New York first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tiktoker-mas-gusto-bumisita-sa-pinas-kesa-ikasal-sa-new-york/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tiktoker-mas-gusto-bumisita-sa-pinas-kesa-ikasal-sa-new-york)