Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Southern Leyte kaninang madaling-araw.

Ayon pa sa Phivolcs, naganap ang lindol alas-4:31 ng umaga, Biyernes, sa 11 kilometro northeast ng Sogod.

Ang tectonic na lindol ay may lalim na isang kilometro.

Naitala ang Intensity 4 sa mga bayan ng Sogod, Hinunangan, Hinundayan, at Libagon, pawang sa Timog Leyte.

Iniulat din ng Phivolcs ang:

Instrumental Intensity 3 – Abuyog, Leyte
Instrumental Intensity 2 – Baybay, Leyte
Instrumental Intensity 1 – Palo, Leyte

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks ang Phivolcs kasunod nitong lindol.

The post Timog Leyte inuga ng lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/timog-leyte-inuga-ng-lindol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=timog-leyte-inuga-ng-lindol)