Hindi hadlang ang kahirapan para maibigay ng isang lolo ang kahilingan ng kanyang apo.

Ginamit ni Edgar Guiyab Paet ang kanyang galing sa pagiging karpintero para magkaroon ng swimming pool ang kanyang apo na si Princess.

Gamit lamang ang kahoy mula sa puno ng saging at tarpaulin ay nakagawa si Edgar ng swimming pool.

Si Edgar ay nagmula sa Alcala, Cagayan, at miyembro ng Pantawid Pamilya program ng gobyerno.

“Kahit anong hirap ng buhay kung para sa pamilya ko, lalo na para sa apo ko, gagawin ko lahat ng makakaya ko,” saad ni Edgar.

The post Tinupad hiling ng apo: Puno ng saging ginawang swimming pool ni lolo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tinupad-hiling-ng-apo-puno-ng-saging-ginawang-swimming-pool-ni-lolo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tinupad-hiling-ng-apo-puno-ng-saging-ginawang-swimming-pool-ni-lolo)