Coincidental lang umano ang pagdanas ng stroke ng isang lalaki, na nagpaturok kamakailan ng Sinovac COVID-19 vaccine, sa mga nararanasan na nitong health condition.

Ayon ito sa pagsusuri na isinagawa ng Regional Adverse Event Following Immunization Committee ng Department of Health at ng Food and Drug Administration.

Giniit din ng dalawang ahensya sa isang pahayag, Sabado, na hindi dahil sa CoronaVac kaya na-stroke si Fredy Totanis ng Caloocan City.

“The DOH and the Food and Drug Administration (FDA) today report that: (1) the COVID-19 vaccine DID NOT cause the stroke, (2) the adverse event is inconsistent with the causal association to the vaccine, and (3) the adverse event is coincidental to underlying or emerging conditions of the patient,” ayon sa pahayag, Abril 10.

“The DOH and FDA strongly emphasize that vaccines are SAFE and EFFECTIVE in affording protection against COVID-19 and in preventing the severe form of COVID-19,” dagdag pa.

Ito’y matapos mag-post sa Facebook si Nicole Omandog Totanis hinggil sa nangyari sa kanyang 54-anyos na ama, si Fredy, matapos itong turukan ng Sinovac coronavirus vaccine.

Si Fredy ay parte ng A3 priority dahil may comorbidities ito na diabetes at hypertension.

Ayon kay Nicole ay “sobrang lakas ng papa ko bago sya mabakunahan” pero matapos maturukan ay nakaranas ang lalaki ng paghinga, pagkahilo, pagsusuka, pulikat, sakit ng ulo, urinary tract infection, at stroke.

Pinakita rin niya ang mga larawan ng kanyang tatay na naka-intubate sa ospital.

The post Tinurukan ng Sinovac na na-stroke ‘nagkataon’ lang – DOH, FDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tinurukan-ng-sinovac-na-na-stroke-nagkataon-lang-doh-fda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tinurukan-ng-sinovac-na-na-stroke-nagkataon-lang-doh-fda)