Hinamon ni Senador Grace Poe ang Department of Agriculture (DA) na mapanumbalik ang tiwala ng mga magbababoy sa pamamagitan ng pagtutulungan para sa long-term at hindi band-aid na solusyon lamang.

“There’s much trust that was lost between the DA and its stakeholders that really needs to be rebuilt. I think this is a fundamental factor that will enable the success of any future endeavor,” pahayag ni Poe.

Nauna nang sinabi ng mga stakeholder mula sa local hog farming sector na hindi sila kinonsulta ng Department of Agriculture (DA) sa planong bawasan ang taripa sa imported na baboy gayundin sa dagdag ng minimum access volume (MAV) sa pork importation.

Ito’y matapos silang sipain sa MAV advisory council meeting na ginawa noong Pebrero.

Sa Executive Order No. 128 na inilabas ng Malacanang, dinagdaga ang MAV para sa pork importation sa 350,000 metric tons (MT) mula sa kasalukuyang 54,210 MT at ibaba ang pork tariff sa limang porsiyento mula sa dating 30 porsiyento na maaring magresulta sa pagkawala ng revenue ng gobyerno na aabot sa P13.68 bilyon.

Inilarawan pa ni Poe ang ang inspeksiyon ng DA at ang Bureau of Custom sa mga border na “porous” na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong milyong baboy matapos mahawahan ngAfrican swine fever (ASF).

“There will be instances when things like this will happen again. I hope that the answer is not always to allow certain sectors to get away with so much profit at the expense of the income that can go to the government which can very well be spent on other programs that are needed for our countrymen,” sabi ng senadora.

Nauna nang nagpahayag ng intensiyon si Poe na dapat isantabi ang pondo para sa animal disease detection and research facilities sa nalalapit na diskusyon ng panukalang budget para mapigilan ang panibagong wave ng ASF at magbigay ng long-term solution para sa sektor ng agrikultura.

The post Tiwala ng mga hog raiser sa DA naglaho – Poe first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tiwala-ng-mga-hog-raiser-sa-da-naglaho-poe/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tiwala-ng-mga-hog-raiser-sa-da-naglaho-poe)