Mula sa 752 sample na sinuri noong nakaraang linggo, 642 pang katao ang natagpuang dinapuan ng tatlong bagong COVID-19 variant na meron sa Pilipinas.

Batay ito sa ulat ng Department of Health, University of the Philippines-Philippine Genome Center, at UP-National Institutes of Health ngayong araw, Abril 18.

Sa nasabing bilang, may 351 dagdag na nagpositibo sa South Africa variant, 266 sa United Kingdom variant, at 25 sa Philippines variant.

Wala namang bagong kaso ng Brazil variant na naitala sa bansa.

Samantala, as of April 9 ay 1,503 na ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng bagong COVID-19 variant sa bansa, kasama na ang 109 aktibong kaso, 521 nakarekober at 12 nasawi.

The post Total 1.5K na! 642 pa sapol ng mga COVID variant sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/total-1-5k-na-642-pa-sapol-ng-mga-covid-variant-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=total-1-5k-na-642-pa-sapol-ng-mga-covid-variant-sa-pinas)