Makikita na rin ba natin ang dating senador na sumasayaw sa mga sikat na TikTok trend?

Sumali na rin sa mundo ng TikTok ang dating senador na si Antonio Trillanes IV.

Inanunsyo ni Trillanes sa Facebook na mayroon na siyang sariling account sa TikTok.

“Hi everyone! I’m now on Tiktok. To my fellow Tiktokers, see you there!” ayon kay Trillanes.

Sa unang upload ni Trillanes, sinabi nito na kaya siya sumali sa video sharing application ay dahil ito ang kalimitang ginagamit ng mga kabataan.

Nakiusap din ito sa kanyang mga viewer na i-comment ang mga topic na kanilang gustong pag-usapan.

The post Trillanes TikToker na rin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trillanes-tiktoker-na-rin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=trillanes-tiktoker-na-rin)