Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang isang tropical storm, na may international name na “Surigae,” sa Biyernes, Abril 16.

Kapag nasa loob na ng PAR ay papangalanan itong bagyong “Bising,” ayon sa advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

As of 10 AM ngayong Miyerkoles, namataan si Surigae sa 1,205 kilometro silangan ng Mindanao, sa labas pa rin ng PAR.

May pagbugso itong hanggang 90 kilometro kada oras at halos hindi ito gumagalaw sa dagat.

Ayon sa PAGASA, nananatiling malabong makaapekto sa bansa ang bagyong Surigae sa susunod na tatlong araw.

Gayunman, inabisuhan pa rin ng ahensya ang publiko at ang disaster risk reduction and management offices na patuloy na bantayan ang mga update hinggil sa nasabing tropical cyclone.

The post Tropical storm papasok sa PAR sa Biyernes first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tropical-storm-papasok-sa-par-sa-biyernes/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tropical-storm-papasok-sa-par-sa-biyernes)