Pormal nang iginawad sa Pilipinas ang hosting rights para sa huling window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

Sa anunsyo ng FIBA, tatlong grupo ang sasalang sa Clark, Pampanga mula June 16 hanggang 20.

Kasama ng Gilas Pilipinas sa Group A ang Korea, Indonesia at Thailand; sa Group B naman ay ang China, Japan, Chinese Taipei at Malaysia; habang sa Group C naman ay Australia, New Zealand, Guam at Hong Kong.

Sa Jordan, Amman naman maglalaban ang Group E na kinabibilangan ng Iran, Syria, Saudi Arabia at Qatar; pati Group F kung saan kasama ang Kazakhstan, Jordan, Sri Lanka at Palestine.

“Organized in protected environment tournaments in order to ensure the health and safety of all participants, these games will determine the ten teams that will join Bahrain and Lebanon, already qualified for the event,” ayon sa FIBA.

The post Tuloy kahit sirit COVID! Fiba qualifiers gagawin sa Clark, Pampanga first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tuloy-kahit-sirit-covid-fiba-qualifiers-gagawin-sa-clark-pampanga/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tuloy-kahit-sirit-covid-fiba-qualifiers-gagawin-sa-clark-pampanga)