Binura ng Twitter ang ilang tweet na bumabatikos sa COVID-19 response ng Indian government, maging ang mga banat laban kay Indian Prime Minister Narendra Modi.

Sa isang pahayag, sinabi ng Indian Ministry of Electronics and Information Technology na hiniling nito sa Facebook, Twitter, Instagram, at iba pang social media platforms na tanggalin ang nasa 100 posts dahil sa umano’y pagpapakalat ng ilang indibidwal ng peke o misleading na impormasyon sa nasabing websites.

Inakusahan din ng gobyerno na itong mga netizen ay nagdudulot ng “panic” tungkol sa ikalawang wave ng COVID-19 infections sa India sa paggamit ng “unrelated, old and out of the context images or visuals, communally sensitive posts and misinformation about Covid-19 protocols.”

Ayon naman sa Twitter, sa ulat ng CNN, matapos hilingin ng gobyerno ng India ay inalis nila ang mga tweet na napatunayan nilang lumabag sa Twitter rules, habang hinarang nila sa India ang mga tweet na natukoy nilang “iligal” sa nasabing bansa pero hindi lumabag sa Twitter rules.

Ilan sa mga damay na tweet ay sinulat ng opposition politicians:

“India recording over 2 [hundred thousand] cases everyday, shortage of vaccines, shortage of medicines, increasing number of deaths … healthcare system is collapsing…! #ModiMadeDisaster”

“India will never forgive PM @narendramodi for underplaying the corona situation in the country and letting so many people die due to mismanagement. At a time when India is going through a health crisis, PM chose to export millions of vaccine to other nations. #ModiHataoDeshBachao”

The post Tweet kontra Indian gov’t binlock ng Twitter first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tweet-kontra-indian-govt-binlock-ng-twitter/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tweet-kontra-indian-govt-binlock-ng-twitter)