Hindi pa nirerekomenda ng mga eksperto ang pagturok ng iba’t ibang COVID-19 vaccine brand sa iisang indibidwal.

Sinabi ito ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos banggitin ni Dr. Nina Gloriani na tinitingnan ng Vaccine Expert Panel ang nasabing hakbang.

“Sa ngayon, hindi pa ‘yan ang recommendation ng ating mga eksperto,” ani Vergeire sa GMA, Miyerkoles.

“Wala pang evidence to say that kapag binigyan mo ng kakaibang bakuna doon sa first dose kung ano po ‘yung mangyayari,” dagdag niya.

Nirerekomenda pa rin aniya ng mga eksperto na iisang vaccine brand lang ang gamitin sa una at pangalawang dose ng isang tao.

Kahapon, binanggit ni Gloriani na posibleng ikonsidera ng VEP ang “very practical or realistic scenario” na paghahalo ng mga vaccine brand at wala dapat aniyang isyu mula sa immunological standpoint.

“‘Di ba kulang din ang ating mga supplies COVID-19? Sometimes we have to be realistic ano ‘yung next na puwede ibigay. Hindi puwedeng i-delay too long ‘yung second dose,” sambit pa ng doktor.

The post Vaccine brand paghaluin? ‘Di pa recommended – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vaccine-brand-paghaluin-di-pa-recommended-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vaccine-brand-paghaluin-di-pa-recommended-doh)