Nagpayo si Pasig City Mayor Vico Sotto sa publiko hinggil sa paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Sa forum ng Department of Health (DOH), sinabi ni Sotto na dapat ay hindi basta maniwala sa mga nagsasabing epektibo ang anti-parasitic drug laban sa new coronavirus.

“Ang payo ko lang, o hinihikayat ko po yung mga mamamayan, ‘wag tayong masyadong ano sa mga conspiracy theory. Relax, relax lang po tayo sa mga conspiracy theory,” saad ni Sotto.

Aniya pa, hindi porke’t may mga balita sa epekto ng Ivermectin laban sa COVID-19 ay maaari na itong gamitin dahil matinding proseso aniya ang pinagdadaanan ng bawat gamot.

“Just because there’s a little bit of positive news or a little bit of possibility or may nakitang kaunting scientific basis, ‘di yun sapat para sabihin na ‘OK na ‘yan, pwede na ‘yan.’ Hindi tayo mga doktor, hindi tayo mga medical expert, makinig tayo sa kanila,” giit pa ng alkalde.

Ito’y kasunod ng pamimigay nina Anakalusugan Rep. Michael Defensor at SAGIP Rep. Rodante Marcoleta ng libreng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City.

Ilang ospital na ang binigyan ng Food and Drug Administration ng compassionate special permit para magamit ang Ivermectin bilang COVID-19 treatment.

The post Vico Sotto sa paggamit ng Ivermectin: Doktor dapat paniwalaan, hindi conspiracy theory! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vico-sotto-sa-paggamit-ng-ivermectin-doktor-dapat-paniwalaan-hindi-conspiracy-theory/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vico-sotto-sa-paggamit-ng-ivermectin-doktor-dapat-paniwalaan-hindi-conspiracy-theory)