Hiniling ni Senador Cynthia Villar kay Finance Secretary Carlos Dominguez III na maging bukas sa kompromiso sa usapin ng Executive Order 128, na nagtataas sa minimum access volume at nagbababa sa taripa ng imported na karne ng baboy.

Magugunitang maraming mambabatas na, parehong sa Senado at Kamara, ang nananawagan na ipawalang-bisa na ang nasabing EO.

“So sana, ito ang request kay Secretary Dominguez na mag-compromise na tayo dito. Kasi ‘pag hindi tayo nag-compromise e malaking gulo ito. Tapos tayo lahat mawawalan dito: mawawalan yung consumers, mawawalan ng mga hog farmers. Magkakagalit tayo—’yung legislative at executive— kasi hindi tayo nag-agree,” ani Villar, pinuno ng Senate committee on agriculture.

“So sana hinihiling ko sa inyo, noon pa, sumusulat na ako sa inyo, e mag-compromise na tayo dito. Ibaba n’yo yung MAV at huwag n’yo na masyadong babaan yung tariff.”

“’Pag nakikinig ako dito, nate-tense ako dito. So ‘yun lang ang hiling ko sa’yo, Secretary Dominguez, na mag-intercede ka na dito. Mag-compromise na tayo para happy tayo together kasi marami pa tayong gagawin together. Sana mag-compromise na tayo dito, huwag na tayo mag-away. We meet halfway,” saad niya pa.

Pareho namang sinabi nina Dominguez at Agriculture Secretary William Dar na aalalahanin nila ang mga rekomendasyon ng senador.

The post Villar kay Dominguez: Mag-compromise na, ‘wag na tayo mag-away first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/villar-kay-dominguez-mag-compromise-na-wag-na-tayo-mag-away/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=villar-kay-dominguez-mag-compromise-na-wag-na-tayo-mag-away)