Pinalagan ni Senadora Cynthia Villar ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkakaltas na taripa sa importasyon na baboy.

“I don’t agree but this is his decision as President,” pahayag ni Villar, kilalang kaalyado ng administrasyon.

Ginawa ni Villar ang pahayag matapos pirmahan ni Duterte noong Miyerkoles ang Executive Order No. 128 na nagbabawas sa tri rate ng imported product para mapunan ang kakapusan ng suplay nito sa pamilihan.

Batay sa record ng Bureau of Customs, pinaliwanag ni Villar na 70 porsiyento ng mean importation na bansa ay pawang mga ‘offal’ o mga lamang loob ay pinatawan ng limang hanggang 10 porsiyentong taripa, habang 30 porsiyentong taripa naman sa mga ‘good meat’.

“The tariff is low already and I do not think there is a need to bring down the tariff anymore,” sabi ni Villar.

Sa ilalim ng EO No. 28, ang import duties sa minimum access volume ay magiging limang porsyento na lamang mula sa kasalukuyang 30 porsyento sa unang tatlong buwan ng isang taong effectivity nito.

Sa ikaapat hanggang ika-labing dalawang buwan, ang taripa ay itataas sa 20 porsiyento hanggang 20 porsiyento, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Noong Marso, inaprubahan ni Duterte ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) na itaas ang MAV ng pork import sa 350,000 metric ton (MT) mula sa kasalukuyang 54,210 MT lamang.

The post Villar kontra sa EO ni Duterte sa pagbaba ng taripa sa baboy first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/villar-kontra-sa-eo-ni-duterte-sa-pagbaba-ng-taripa-sa-baboy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=villar-kontra-sa-eo-ni-duterte-sa-pagbaba-ng-taripa-sa-baboy)