Inanunsyo ng Pilipinas VisMin Super Cup na hindi tuloy ang mga laro ngayong Huwebes, April 15.

Kasunod ito ng nangyaring kontrobersyal na laban sa pagitan ng ARQ Builders-Lapu Lapu City Heroes at Siquijor Mystics, kung saan kaagad na tinigil ang laro sa second quarter dahil umano sa ‘power interruption’.

Sa nasabing laro, makikita ang kuwestiyonableng galaw ng ilang player kung saan nagmimintis ang mga open na layup, pati mga free throw.


Ngayong araw ay maghaharap sana ang KCS Computer Specialist-Mandaue kontra Tabogon Voyagers, at susundan ng MJAS Zenith-Talisay versus Siquijor.

Panghuli sanang laro ang Dumaguete Warriors at Siquijor, na dawit sa kontrobersya.

The post VisMin Super Cup kanselado mga laro first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vismin-super-cup-kanselado-mga-laro/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vismin-super-cup-kanselado-mga-laro)