Binuska ng abogado ng Malacañang ang mga politikong nasa oposisyon na puro ingay lang ang ginagawa.

Ito ay matapos hindi patulan ang hamon nito na i-donate ang kanilang isang buwang suweldo sa mga mahihirap para makatulong sa halip na puro pamumuna ang ginagawa.

Ayon kay Panelo, mas matutuwa ang publiko kung tumulong na lamang ang oposisyon sa halip na hanapan ng butas ang gobyerno.

“Walang kumagat. Panay reklamo. Kung nagrereklamo tayo, we have to do something about it,” ani Panelo.

Maingay aniya ang oposisyon at lahat na lamang ng sitwasyon ay sinasakyan para makabanat sa gobyerno at sa kanilang pamumulitika.

“Yang mga oposisyon lahat gjnagawa nila para manira lang. Ginagamit ang sitwasyon sa pamumulitika,” dagdag ni Panelo.

Pinayuhan ng kalihim ang mga kritiko na sundin at gawin ang bilin ng Santo Papa na huwag puro pamumuna ang ginagawa at sa halip ay tumulong sa gobyerno.

The post ‘Wag puro reklamo! Panelo kinantiyawan mga politiko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wag-puro-reklamo-panelo-kinantiyawan-mga-politiko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=wag-puro-reklamo-panelo-kinantiyawan-mga-politiko)