Wala pang naitalang pagkasawi o pagkamatay dahil sa COVID-19 vaccine sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa Adverse Event Following Immunization (AEFI) committees, kabuuang 24,823 suspected AEFI case ang naitala, as of April 11.

Sa mga naturukan ng Sinovac vaccine, halos 7,000 ang nakaranas ng non-serious AEFI habang 164 ang nagkaroon ng matinding epekto.

Mula naman sa mga nabakunahan ng AstraZeneca, 17,503 ang nakaranas ng minor effect habang 206 ang “serious” AEFI.

Ang ilan sa mga pinaka-karaniwang adverse effect matapos bakunahan ay pananakit sa lugar na tinurukan, panlalamig, chest discomfort, pagkapagod at sakit ng ulo ngunit hindi naging sanhi ng pagkamatay o pagkakasakit ng coronavirus.

“Base sa pag-aaral ng ating mga eksperto, ito pong mga bakunang meron tayo ngayon ay hindi naging cause ng kahit na anumang naging pagkakamatay dito sa ating bansa or hindi naging cause ng kahit anumang pagkakasakit ng COVID-19 dito sa ating bansa,” sambit ni Vergeire sa press briefing ngayong Miyerkoles.

The post Wala pang namatay, nagpositibo dahil sa bakuna – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wala-pang-namatay-nagpositibo-dahil-sa-bakuna-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=wala-pang-namatay-nagpositibo-dahil-sa-bakuna-doh)