Naniniwala ang ABS-CBN sa kabutihan ng puso ng kanilang Kapamilya na si Angel Locsin matapos itong punahin sa nangyaring community pantry noong Biyernes.

Sa isang pahayag, sinabi ng media network na kanilang ipagpapatuloy ang paghanga sa dedikasyon ng aktres na makatulong sa nangangailangan.

“ABS-CBN believes in the goodness of the heart of our Kapamilya Angel Locsin, who in here personal capacity has tirelessly helped our countrymen in times of crisis,” base sa statement.

“We admire her commitment to continue serving the Filipino people with selfless dedication and love,” aniya pa.

Nagsagawa ng community pantry si Angel sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kung saan isang lolo ang nasawi habang nakapila.

Humingi na ng paumanhin ang aktres at nangakong tutulungan ang pamilya ng yumao.

“Humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapag-usap po kami ng personal ng mga anak niya sa ospital at habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila,” saad ni Angel.

Ayon naman sa mga anak ng lolong nasawi, hindi nila sinisisi si Angel at nagpasalamat sa aktres sa tulong na ginawa nito para sa kanila.

The post Walang sawa pagtulong sa kababayan! ABS-CBN suportado si Angel first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walang-sawa-pagtulong-sa-kababayan-abs-cbn-suportado-si-angel/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=walang-sawa-pagtulong-sa-kababayan-abs-cbn-suportado-si-angel)