Hindi magsasagawa si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang regular na “Talk to the People” ngayong Miyerkoles.

“No talk to the people,” ayon sa tagapagsalita ng pangulo na si Harry Roque, Abril 7.

Magmemensahe aniya ang presidente sa susunod na linggo.

Wala namang binigay na dahilan si Roque sa pagpapaliban ni Duterte ng public address nito, na karaniwang ginagawa kada Lunes ng gabi.

Ang huling Talk to the People ng pangulo ay noong Marso 29.

The post Walang Talk to the People si Duterte ngayong linggo – spox first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walang-talk-to-the-people-si-duterte-ngayong-linggo-spox/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=walang-talk-to-the-people-si-duterte-ngayong-linggo-spox)