Babala: Huwag panoorin kung mahina ang sikmura.

Nangyari ang hindi inaasahan kay Chris Weidman sa loob lamang ng 17 segundo ng kanyang laban kay Uriah Hall.

Nagsusukatan pa ng lakas ang dalawa nang ipnagsipa ni Weidman ang kanyang kanang binti.

Dito nagmistulang lantang gulay ang paa ni Weidman at nakita ang pagkabali nito, nang sinubukang iapak ay hindi na nasuportahan ang bigat ng UFC fighter.

Halos kapareho ito ng insidente noong nakalaban ni Weidman si Anderson Silva, na nabalian din ng binti noong 2013.

“He is truly one of the best. It is a crazy story that he was the first man I fought that defeated me and introduced me to fear. I didn’t know what fear was and during that time we went different paths. He was the first one to defeat Anderson [Silva], I was the last. It’s just crazy how we ended up here again,” ayon kay Hall matapos ang laban.

Nagpaabot din si Hall ng suporta kay Weidman at sa pamilya nito dahil sa matinding injury.

The post Weidman brutal pagkabali ng binti kontra Hall first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/weidman-brutal-pagkabali-ng-binti-kontra-hall/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=weidman-brutal-pagkabali-ng-binti-kontra-hall)