Magkaiba ang pananaw ng dalawang alkalde sa Metro Manila kung ano ba dapat ang susunod na quarantine classification na ipatupad sa NCR.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, mas nais niyang i-extend ng dalawang linggo ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Dahilan ng top official ng San Juan ay may mai-improve pa sa responde para lalong mapababa ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Para naman kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, naniniwala ito na dapat nang ipatupad ang general community quarantine (GCQ) pagpatak ng Mayo.

Paliwanag ni Belmonte, mas dumarami ang nagugutumon dahil sa striktong lockdown, patunay dito ang pag-usbong ng mga community pantry para makatulong sa mga nangangailangan.

Ayon sa OCTA Research, bumaba na ng 20-percent ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, ngunit nais nilang mapababa pa ito sa hindi hihigit sa 3,000 case kada araw.

The post Zamora, Belmonte labo-labo sa bagong quarantine status first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/zamora-belmonte-labo-labo-sa-bagong-quarantine-status/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=zamora-belmonte-labo-labo-sa-bagong-quarantine-status)