Nananawagan ang Bayan Muna sa liderato ng Kamara na magtakda na ito ng imbestigasyon batay sa inihaing House Resolution 879 kaugnay sa ipinatupad na taas singil ng Meralco noong nakaraang taon nang isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila kasunod na rin sa pinaplano na naman nitong pagtaas ngayong muling nasa ECQ ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

May pangamba si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na maaaring magkaroon na naman ng electric bill shock ang mga konsumer.

“Kapag hinayaan natin ito ay baka magkaroon na naman ng electric bill shock ang mga consumer. Hindi pa nga nila nababayaran ang bill nung isang taon at naputulan na nga ang marami sa kanila ng kuryente tapos ngayon ay tataas na naman daw ang singil,” ayon kay Zarate.

Giit pa ni Zarate, kuwestiyonable ang Katwiran ng meralco na ang pagsirit ng

electricity bills ng mga consumer noong nakaraang taon at sa pinaplano nito ngayon ay resulta ng mataas na konsumo.

“Even Pres. Duterte reported a downward trend in demand during the lockdown period in 2020. This is the same case now, especially with the NCR bubble under lockdown, many businesses and factories are closed or just operating at half capacity. Also the simultaneous shutting down of power plants of gwnerating companies have been done before to jack up power rates,” ayon kay Zarate.

Sa panig ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares, sinabi nitong panahon upang ikonsidera ng kongreso ang pagpasa ng batas para buwagin ang monopolya.

“Meralco it appears is flaunting its unbridled clout. It’s time that a bill should be filed for the dismantling of monopolies and prohibiting cross ownership between distribution utilities and power generation companies (gencos),” ayon kay Colmenares.

The post Zarate nangangamba: ‘Electric bill shock’ baka maulit first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/zarate-nangangamba-electric-bill-shock-baka-maulit111/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=zarate-nangangamba-electric-bill-shock-baka-maulit111)