Idineklara ng Pasay City government na 120 barangay nito ang malinis na sa COVID-19 o zero case na ng virus noong Mayo 9.

Ani Mayor Emi Calixto-Rubiano, mayroon silang kabuuang 201 barangay at Barangay 183 na lamang ang nananatiling may mataas na COVID-19 case sa 18.

Sabi ni Rubiano, ang pinakamahusay na tool ng city government sa pagpapababa sa COVID-19 case ay ang mahigpit na pagpapatupad ng prevent-detect-isolate-treat and reintegrate.

Dagdag niya, bago pa man ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local government unit na hulihin ang mga lumalabag sa mga health protocol ay inatas na sa pulisya ang istriktong implementasyon ng ordinansa laban sa mga violator.

The post 120 barangay sa Pasay, COVID-free na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/120-barangay-sa-pasay-covid-free-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=120-barangay-sa-pasay-covid-free-na)