Umaasa ang samahan ng mga may-ari ng restaurant sa Pilipinas na sa darating na mga linggo ay mas luluwagan pa ang mga ipinatutupad na paghihigpit laban sa coronavirus pandemic.

Sa May 28 episode ng “The Chiefs”, sinabi ni Restaurant Owners of the Philippines President Eric Teng na bagama’t itinaas na sa 30% ang pinayagang indoor dining capacity ay hindi pa rin ito magkakaroon ng impact sa negosyo at trabaho.

“Right now at 30% I’m afraid it still will not have much impact, however we’re hoping that in the next weeks there will be more relaxation,” ani Teng.

Iminungkahi nila na paiksiin ang curfew na sa halip na 10PM ay ilipat ito ng hatinggabi.

“That way, we can have more dinner sales. ‘Yun po mas malaki po na tulong dahil at 10PM po na curfew, malls, restos, they close earlier,” paliwanag niya.

“Indoor dining is more than half of sales so we really need for later curfews just so we can have more sales,” dagdag niya. 

The post 12AM curfew hirit ng mga resto owner first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/12am-curfew-hirit-ng-mga-resto-owner/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=12am-curfew-hirit-ng-mga-resto-owner)