Pumalo na sa 20,398 ang total na bilang ng COVID-19 case sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP, 133 ang nadagdag na kaso ng COVID-19 sa kapulisan.

1,669 naman ang active case o iyong mga patuloy pa ang pakikipaglaban sa COVID-19.

142 naman ang bagong gumaling sa COVID-19, kung saan umabot na sa 18,673 ang total na nakarekober.

Habang nanatili naman sa 56 ang death toll sa PNP.

The post 133 bagong COVID positive sa PNP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/133-bagong-covid-positive-sa-pnp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=133-bagong-covid-positive-sa-pnp)