Inaasahang hahagupitin ng 15 bagyo ang Pilipinas mula sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre.

Ayon kay Pagasa climate monitoring section head Ana Liza Solis, isa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang pumasok sa bansa sa Hunyo, dalawa hanggang apat sa Hulyo, at tig-dalawa hanggang tatlo naman mula Agosto hanggang Nobyembre.

Saad pa ni Solis, ang nararanasang pag-ulan sa Metro Manila at iba pang parte ng bansa ay hudyat ng pagdating southwest monsoon o Habagat.

Ayon kay Solis, mararanasan ang ‘generally near normal’ na pag-ulan sa Hunyo hanggang Agosto sa bansa.

‘Near normal’ na pag-ulan naman ang bubuhos sa Setyembre, maliban sa ilang parte ng Bicol, Visayas at Caraga na makararanas ng above normal na pag-ulan.

The post 15 bagyo nakaamba sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/15-bagyo-nakaamba-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=15-bagyo-nakaamba-sa-pinas)