Binansagang terorista si Jose Maria Sison, kasama pa ang 18 na miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP), ayon sa Anti-Terrorism Council (ATC).

Sa nilabas na Resolution Number 17 (2021) ng ATC, dineklara na terorista ang CPP founder pati ang mga miyembro ng Central Committee ng komunistang grupo.

Kasama dito sina Vicente Ladlad, Wilma Tiamzon, Benito Tiamzon at Adelberto Silva, na pawang mga consultant din ng National Democratic Front.

“Based on verified and validated information, the ATC found probable cause, as defined in the anti-terror act, warranting the designation of the following central committee members of the CPP for violations of Sections 6, 7, 8, 9 and 10 of the ATA (Anti-Terrorism Act),” ayon sa resolusyon.

Dahil dito’y binigyan ng kapangyarihan ang Anti-Money Laundering Council na i-freeze o huwag ipagalaw ang lahat ng asset ng 19 indibiduwal na pinaratangang terorista ng ATC.

Nakasaad naman sa Resolution Number 16 (2021) ng ATC na ituturing ding terorista ang mga grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, Abu Sayyaf Group at Daulah Islamiyah

.

The post 18 pang komunista sabit din! Joma Sison tinatakang terorista first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/18-pang-komunista-sabit-din-joma-sison-tinatakang-terorista/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=18-pang-komunista-sabit-din-joma-sison-tinatakang-terorista)