Patay ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa buy-bust operation ng Philippine National Police-Philippine Drug Enforcement Agency (PNP-PDEA) sa Muntinlupa nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni PNP chief Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Jordan Sabandal Abrigo at Jayvee de Guzman.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong pakete ng tea bag na may laman palang 10 kilo ng hinihinalang shabu.

Ang naturang iligal na droga ay nagkakahalaga ng P68M.

Ayon sa pulisya, nasawi ang mga suspek matapos makipagpalitan ng putok nang matunugan na pulis ang kanilang mga katransaksyon.

Wala namang nasaktan sa hanay ng mga awtoridad.

Ayon sa report ni PNP-Drug Enforcement Group director Brig. Gen. Remus Medina, ang mga suspek ay miyembro ng Divinagracia Drug Group, na isang Michael Divinagracia umano ang lider at isang Chinese na nakakulong sa New Bilibid Prison.

Ang naturang sindikato ay may operasyon sa Visayas at Mindanao, at nagsu-supply ng droga sa mga Muslim matapos ibagsak ang mga padala sa Batangas Port.

The post 2 miyembro ng sindikato todas, P68M shabu nakulimbat first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-miyembro-ng-sindikato-todas-p68m-shabu-nakulimbat/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-miyembro-ng-sindikato-todas-p68m-shabu-nakulimbat)