Sumuko sa pulisya sa Northern Samar nitong Lunes ang dalawang magkapatid na miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ang dalawa’y sina Ka Ariel, 51-anyos, at Ka Aries, 43-anyos.

Ayon sa kanila, sila’y mga miyembro ng Front Guerilla Unit (FGU), Front Committee 1 sa ilalim ng Sub-Regional Committee 1.

Sila umano ay nakasama sa iba’t-ibang gawain ng rebeldeng grupo sa probinsya.

Nais umano nilang magtamo ng kapayapaan ang kanilang mga pamilya kaya naisipan nilang sumuko sa gobyerno.

Isinuko rin nila sa pulisya ang kanilang mga armas, gaya ng isang Elisco M16A1 rifle, isang caliber .45 na baril, mga magazine at mga bala.

Inaayos na ang kanilang mga dokumento upang makatanggap sila ng benepisyo mula sa pamahalaan.

The post 2 NPA member, sumuko sa Samar first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-npa-member-sumuko-sa-samar/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-npa-member-sumuko-sa-samar)