Siniguro ng Department of Health (DOH) na walang nahawaan ang dalawang overseas Filipino worker (OFW) na natuklasang may COVID-19 India variant.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, strikto ang kanilang border control kaya’t na-quarantine agad ang dalawang OFW bago pa ito makasalamuha ng iba.

“It’s impossible that they had exposed others without our authorities knowing,” saad ni Duque sa ANC.

Makikipagtulungan si Duque sa World Health Organization para magkasa ng travel ban sa mga bansa na napasok na ng India variant.

Matatandaan na nitong Martes ay kinumpirma ng DOH na dalawang Pinoy na dumating sa Pilipinas ang nagpositibo sa B.1.617 variant.

Ang mga OFW ay nagmula sa Oman at United Arab Emirates, walang travel history ang dalawa sa India.

Ayon kay infectious disease expert Dr. Edsel Salvaña, hindi na tinuturing na nakahahawa ang dalawang OFW, na gumaling na sa COVID-19.

The post 2 OFW na may COVID India variant hindi nakahawa – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-ofw-na-may-covid-india-variant-hindi-nakahawa-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-ofw-na-may-covid-india-variant-hindi-nakahawa-doh)