Tumaas sa 1,740 ang active COVID-19 case sa hanay ng Philippine National Police (PNP) matapos 200 tauhan nito ang magpositibo sa virus.

Ayon sa PNP, noong Biyernes ay pumalo na sa 23,571 ang kabuuang tinamaan ng COVID-19 sa PNP.

Umakyat naman sa 65 ang death toll matapos pumanaw ang isa pa nilang tauhan.

Sa kabila nito, 184 na PNP personnel ang bagong nakarekober sa sakit.

The post 200 pang tauhan ng PNP nagpositibo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/200-pang-tauhan-ng-pnp-nagpositibo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=200-pang-tauhan-ng-pnp-nagpositibo)