Inaasahan ni Trade Secretary Ramon Lopez na aabot sa 200,000 ang muling magkakaroon ng trabaho sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at kalapit pang lugar.

“Dito sa pagbukas ulit ngayon [ng ekonomiya], maaaring may maibalik pa na maybe 200,000 to 300,000 na trabaho para at least mapababa pa ang mga nawalan ng trabaho,” saad ni Lopez sa DZBB.

Ayon kay Lopez, nasa 1.5 milyong Pinoy ang nawalan ng pagkakakitaan dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) noong Abril.

Sa Sabado, May 15 ay nakatakda nang ipatupad ang GCQ sa NCR Plus bubble na tatagal hanggang May 30.

Ilan sa niluwagan ay ang dine-in service ng mga restaurant, pati ang turismo.

The post 200K balik trabaho sa NCR Plus GCQ – DTI first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/200k-balik-trabaho-sa-ncr-plus-gcq-dti/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=200k-balik-trabaho-sa-ncr-plus-gcq-dti)