Umabot sa mahigit 21,000 katao ang naturukan ng bakuna sa siyudad ng Maynila nitong Sabado, ayon kay Mayor Isko Moreno.

Ito na raw ang pinakamataas na bilang ng mga nabakunahan sa loob ng isang araw sa lugar.

Mga taong kabilang mula sa A1, A2 at A3 priority groups ang kanilang naturukan, kung saan ang kabuuang bilang ay umabot sa 21,129.

Ayon kay Moreno, bago ito ay nasa 16,000 lang ang natuturukan sa lungsod kada araw.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa kanilang mga health workers na nasa likod ng matagumpay na pagpapabakuna.

Gayundin naman ay nagpasalamat din siya sa mga residente nila na nagkaroon ng kagustuhang magpaturok kontra COVID.

The post 21K katao sa Maynila, naturukan sa isang araw first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/21k-katao-sa-maynila-naturukan-sa-isang-araw/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=21k-katao-sa-maynila-naturukan-sa-isang-araw)