Sasagutin ng Department of Education ang tatlong buwang load ng mga guro na nagtuturo sa public school.

Ito’y dahil sa pag-usbong ng distance learning buhat nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Pascua, magbibigay sila ng halagang katumbas ng 30 hanggang 35 gigabyte ng data para magamit sa online teaching ng mga guro.

“We will begin to roll out siguro next month. We will be asking our teachers to register in DepEd Commons para mabigyan sila ng load sa kani-kanilang cellphone,” saad ni Pascua.

Aniya, ang mga hindi magagamit na data allocation ay magagamit pa rin sa mga susunod na buwan hanggang sa maubos ng mga guro ang 100 GB.

“Ine-expect namin na napakarami ng magagawa mo sa bandwidth na ito. Ine-expect namin na higit tatlong buwan hanggang anim na buwan magagamit ng teacher itong connectivity load,” pahayag pa ng DepEd official.

Aabot sa 800,000 ang public school teacher sa bansa, at ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla ay P1.2B ang kanilang nilaan na pondo para sa internet load ng mga guro.

The post 3 buwang load ng mga guro sagot ng DepEd first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-buwang-load-ng-mga-guro-sagot-ng-deped/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-buwang-load-ng-mga-guro-sagot-ng-deped)