Tatlong close contact ng OFW na may bitbit na Indian variant sa Pilipinas ang nagpositibo sa coronavirus, ayon sa Department of Health.

Sabi ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, nagmula ang 58-anyos na OFW sa United Arab Emirates (UAE) at mayroong 32 verified close contact, tatlo sa Maynila ay COVID positive.

“Pina-submit na natin sa genome sequencing ‘yung isang sample at ‘yung sa dalawa ay hinahanap pa natin—nilo-locate natin ‘yung mga specific individuals,” update ni Vergeire sa Laging Handa press briefing ngayong Sabado, Mayo 15.

Negative naman aniya sa COVID-19 ang 29 pang close contact nito.

Maliban sa OFW mula UAE, nakitaan din ng Indian variant ang isa pang sea-based OFW na dumating sa bansa noong Abril 10 mula sa Oman.

Mayroon daw anim na close contact ang OFW na galing Oman, tatlo roon ay negative sa COVID-19 habang bine-verify pa ang tatlo.

The post 3 close contact ng OFW na may Indian variant nagpositibo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-close-contact-ng-ofw-na-may-indian-variant-nagpositibo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-close-contact-ng-ofw-na-may-indian-variant-nagpositibo)