Sa kauna-unahang pagkakataon ngayong season, sinalang ni Miami Heat coach Erik Spoelstra ang kanilang veteran big man na si Udonis Haslem.

Ngunit bago pa ito pagpawisan ay pinatalsik na ito sa laro.

Maganda ang simula ng 40-year old veteran, napasok ang dalawang unang tira, at nakasungkit pa ng rebound.

Ngunit biglang uminit ang ulo nito matapos siyang mapatumba ni Philadelphia 76ers center Dwight Howard.

Ang resulta? Dinuro ni Haslem si Howard dahilan para ma-eject ito tatlong minuto pa lang matapos siyang ipasok.

Wagi ang Heat, 106-94, nanguna si Jimmy Butler tangan ang 21 points, five rebounds at four assists.

The post 3 minuto lang naglaro! Haslem nanduro, pinalayas sa court first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-minuto-lang-naglaro-haslem-nanduro-pinalayas-sa-court1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-minuto-lang-naglaro-haslem-nanduro-pinalayas-sa-court1)