Tatlo ang naiulat na nasawi habang 27 ang sugatan sa serye ng lindol sa China.

Naramdaman ang lindol sa 12 lalawigan at siyudad ng Dali Bai Autonomous Prefecture, pinakamalubhang tinamaan ang Yangbi, ayon sa India TV News report.

Dalawang nasawi ay mula sa Yangbi at isa sa Yongping County.

Nasa 72,317 residente naman ang apektado ng lindol.

Ayon sa China Earthquake Networks Centre, apat na lindol na lagpas sa magnitude 5.0 ang yumanig sa Yangbi mula 9PM hanggang 11PM noong Biyernes habang 166 ang aftershocks.

Wala namang casualties sa magnitude 7.4 na tumama sa Qinghai Province nitong Sabado ng madaling-araw.

The post 3 patay sa magkakasunod na lindol sa China first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-patay-sa-magkakasunod-na-lindol-sa-china/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-patay-sa-magkakasunod-na-lindol-sa-china)