Nagtala ng 4,197 bagong nasawi dahil sa coronavirus sa India sa loob lang ng isang araw noong Mayo 7.

Ayon sa The Hindu report, 401,228 naman ang bagong COVID-19 case kahapon.

Sa ngayon ay kabuuang 21,886,611 case at 238,265 death toll na ang nai-record sa nasabing bansa simula ng pandemya.

Nanguna sa new infections ang Maharashtra (54,022); sumunod ang Karnataka (48,781) at Kerala (38,460), batay sa covid19india.org, isang independent aggregator ng daily figures.

Ang kakulangan ng oxygen at mga critical care bed ang sinisisi sa sobrang pagtaas ng India death rate.

The post 4,197 bagong patay sa COVID sa India first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/4197-bagong-patay-sa-covid-sa-india/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=4197-bagong-patay-sa-covid-sa-india)