Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na lampas 4 milyong katao na ang naturukan ng COVID-19 vaccine sa bansa.

“We were able to vaccinate already almost 4.7 million individuals. We are averaging 100,000 jabs per day,” ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa panayam ng TeleRadyo.

Ayon sa health official, umabot na sa 170,000 turok kada araw ang average, target na tumaas pa ito sa 500,000 para mabakunahan ang 50 milyong indibiduwal bago matapos ang 2021.

Ngunit aniya’y nakapende ito kung darating ang mga na-order na bakuna ngayong taon.

Sa datos ng DOH, lampas 1 milyon na ang may kumpletong dose na laban sa COVID-19.

The post 4M Pinoy nabakunahan na kontra COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/4m-pinoy-nabakunahan-na-kontra-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=4m-pinoy-nabakunahan-na-kontra-covid)