Patay ang limang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang isang sundalo ang sugatan sa sagupaan sa mountain barangay sa bayan ng Bilar, Bohol.

Ayon sa ulat, nagsimula ang bakbakan ng alas-5:30 ng madaling-araw nitong Mayo 25 sa Barangay Cabacnitan.

Maliban sa limang napatay na NPA, nakumpiska rin ang sari-saring armas.

Sabi ni Lt. Elma Grace Remonde, spokesperson ng Philippine Army 47th Infantry Battalion, ilang residente ang nag-report tungkol sa presensiya sa kanilang barangay ng mga armadong hinihinalang miyembro ng NPA.

Saad ni Remonde, pinaputukan ng mga armadong kalalakihan ang kanilang tropa at nagsimula ito ng barilan, na tumagal ng higit sa isang oras.

The post 5 galamay ng NPA utas sa bakbakan sa Bohol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-galamay-ng-npa-utas-sa-bakbakan-sa-bohol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5-galamay-ng-npa-utas-sa-bakbakan-sa-bohol)